Bigkasin ang tula at piliin ang mga halamang ornamental na pwedeng itanim sa
paligid ng bahay at sa pamayanan.
Tayo'y Magtanim
ni Emma E. Retuta
Tayo'y magtanim paligid pagandahin.
Iba't ibang uri ng halaman ating itanim sa bakuran at kapaligiran.
Pwedeng namumulaklak na halaman meron ding palumpon.
Gumamela, Rosas, Boungainvilla, Sampaguita at Santan
Punong maliliit na nagbibigay lilim at sariwang hangin
San Francisco, fortune, pako at niyog-niyogan ay ilan lamang.
Itanim sa paso palamuti sa tahanan at pagkakitaan.
Mabangong halimuyak maganda sa pakiramdam.
Halamang gamot upang sakit ay dagling malunasan
Kaaya-aya sa paningin, suliranin natin ay mapapagaan.
Dagdag na kita sa pamilya na pwedeng ibenta.
Kaloob ng maykapal na dapat pangalagaan.​