Answer:
PATAKARANG PISKAL
Ang pamahalaan ay may mahalagang papel upang ang ekonomiya ay gumanap ng maayos at maging matatag. Sa pamamagitan ng patakarang piskal, maaari nitong maimpluwensyahan at makontrol ang gawain ng pribadong sektor.
Patakarang piskal — ay pagkontrol ng pamahalaan sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagbubuwis at paggastos upang matamo ang maayos na daloy ng ekonomiya.