Answer:
Ang Renaissance ay isang panahon sa Europa, mula ika-14 hanggang ika-17 dantaon, at itinuturing na nagtulay sa pagitan ng Gitnang Kapanahunan at ng makabagong kasaysayan. Nagsimula ito bílang isang pagkilos na kultural sa Italya noong hulihan ng Gitnang Kapanahunan at tuluyang kumalat sa iba pang bahagi ng Europa, na nagpaumpisa sa Sinaunang Makabagong Panahon.