Sagot :
Answer:
May tatlong mahalagang elemento ang pagkalat ng nakahahawang sakit at karamdaman. Ito ay ang susceptible host o tao, sanhi ng mga mikrobyo (pathogens), at ang kapaligiran.
1. Ang susceptible host o sinomang tao ay maaaring kapitan ng pathogen o mikrobyo. Kung malusog ang isang tao, hindi siya madaling dapuan ng sakit. Samantala, madaling kapitan ng nakakahawang sakit ang isang taong mahina ang resistensya.
2. Ang mikrobyo (Pathogens) ay mga mikrobyong nagdudulot ng sakit tulad ng virus, bakterya, fungi at parasite. Sa sobrang liit, ang mga ito ay makikita lamang sa pamamagitan ng mikroskopyo. May iba’t ibang hugis, sukat, at anyo ang mikrobyo. Ito ay sanhi ng pagkakasakit
Mga uri ng Mikrobyo (Pathogens):
a. Virus – pinakamaliit na mikrobyo na makikita lamang sa pamamagitan ng mikroskopyo. Nagiging sanhi nito ang ubo, trangkaso, tigdas, beke, at bulutong-tubig.
b. Bacteria – mas malaki ito kaysa sa virus at nabubuhay kasama ng hangin, tubig, at lupa. Nagiging sanhi nito ang tuberculosis, ubong may tunog, at diphtheria. c. Fungi – tila halamang mikrobyo na nabubuhay at mabilis dumami sa madidilim at mamasa-masang lugar. Nagiging sanhi nito ang alipunga at iba pang sakit sa balat.
d. Bulate (Parasitic Worms) – pinakamalaking pathogen na nabubuhay sa intestinal walls at nakikipag agawan sa sustansya para sa katawan. Ang Ascaris, Tapeworm at Roundworm ay mga halimbawa nito.
3. Ang Kapaligiran ay isang elemento sa pagkalat ng mikrobyo na maaaring sumasama sa himpapawid at hangin (airborne), at tubig (waterborne).
Explanation:
sana nakatulong