Ito ay pagbibigay ng kahulugan na hindi literal ang ibig sabihin. a. Denotasyon b. Konotasyon c. Kasingkahulugan
2. Uri ng liriko na binubuo na tig-aapat na taludtod ang bawat saknong. a. Awit b. Awiting-bayan c. Katutubong-awit
3. Mga pahayag na gumagamit ng mga salita sa isang di pangkaraniwan o hindi literal na paraan upang mapaigting ang bisa ng kahulugan a. Sukat b. Konotasyon c. Tayutay
4. Ito ay awit ng pag-ibig. a. Dalit b. Kundiman c. Oyayi
5. Ito ay kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita,parirala o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap. a. Pangatnig b. Pang-ugnay c. Parirala
6. Kapwa matalino sina Algie at Ann. Anong salita sa pahayag ang nagpapakita ng paghahambing? a. Matalino b. Kapwa c. Sina
7. Siguradong matutuwa ang mga bata kung itutuloy natin ang pagbabakasyon sa Quezon. Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap? a. Kung b. Siguradong c. Itutuloy
8. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa awiting bayan? a. Bulong b. Dalit c. Oyayi
9. Ito ay lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng isang tao, hayop, bagay, at iba pa. a. Pagtatao b. Pagmamalabis c. Pagtutulad
10. Ito ay tumutukoy sa mga magkakasintunog na huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod. a. Talinghaga b. Taludtod c. Tugma