Ipaliwanag ang pagkakiba ng produkto at serbisyo


(EPP)​


Sagot :

Answer:

Ano ang pagkakaiba ng produkto at serbisyo?

Produkto

Ang produkto ay mga bagay na inihanda, ginawa, o naiproseso para ibenta at nagamit. Ang mga produkto ay maaaring nahahawakan, nakikita, naaamoy o natitikman. Halimbawa ng mga produkto ay alahas, pagkain, damit at iba pa.

Serbisyo

Ang serbisyo naman ay ang binabayarang gawain o tungkulin ng mga taong propesyonal o eksperto. Ang kanilang mga kaalaman ang ginagamit nila bilang mapagkakakitaan. Ito ay hindi nahahawakan, naitatago, at hindi maaaring sunbukan bago bilhin. Halimbawa ng mga serbisyo ay pagluluto, pagmamasahe, pagtatahi ng damit at iba pa.

Explanation:

sana makatulong