Explanation:
Napakahalaga ang pagkakaroon ng edukasyon sa buhay ng isang tao. Nakakatulong ito sa pagpapa-unlad ng sarili at maging angkinabukasan. Nagpapalakas ito ng loob ng isang tao para makipagsapalaran sa buhay. Nagpapatatag sa pagkatao para harapin ang mgapagsubok at matutong lumaban sa agos ng buhay. Madalas nating naririnig sa ating mga magulang na ang edukasyon lamang ang tanginilang maipapamana sa mga anak kaya pinapayuhan silang mag-aral mabuti at magtapos sa pag-aaral. Ang edukasyon daw angpamanang kailanman ay hindi mawawala sa tao at hindi mananakaw ninuman.