Answer:
Ang sistema ng kaugaliang Pilipino ay tumutukoy sa mga kaugalian na ipinapahalaga ng karamihan ng mga Pilipino. Itong sistema ng kaugaliang Pilipino ay may katangi-tanging katipunan ng mga ideolohiya, moralidad, kabutihang asal, wastong kagawian, at kahalagahang personal at kultural na itinatakda ng lipunan. Katulad ng lahat ng lipunan, ang mga pinapahalagahan ng isang indibidwal ay naaapektuhan ng mga salik katulad ng relihiyon, antas ng kabuhayan, at iba pa.
Sa pangkalahatan, nakaugat ang sistema ng kaugaliang Pilipino sa relasyon at pakikipagkapwa, lalung-lalo na ang pakikipagkapwa sa pamilya, mga obligasyon, pakakaibigan, relihiyon (lalo na ang Kristiyanismo), at pangkalakal.
Explanation:
Branles po