Seryosong tinatalakay sa klase ng aming guro ang mga nangyaring trahedya sa Tacloban. Maayos niyang naipaliwanag ang kanilang kalagayan at madali niya making nahikayat kung paano kami makatutulong. Mabilis na nagtakda ang gaming paaralan ng lugar kung saan dadalhin ang aming donasyon.
Lunes, 11 Nobyembre 2013, 9:00 pm ng gabi
Agad kong inilabas ang aking mga lumang gamit. Hinanap ko sa kabinet ang aking mga lumang damit na maayos pa ang kalagayan tulad ng kamiseta, pantalon, mga panloob, at laruan na matagal ko nang hindi nagagamit. Masaya ring tumulong ang aking mga ate at kuya upang makapagbigay sa mga nangangailangan. Tunay ngang masayang nakapagbibigay ka sa mga taong nangangailangan ng pagkalinga at pagmamahal.
Mga tanong: 1. Ano ang kuwentong iyong binasa? Tungkol saan ang kuwentong iyong binasa? 2.Sino ang mga tauhan sa kwento? 3.Saan ang tagpuan sa binasa ninyong kuwento? 4.Kailan naganap ang pananalasa ng bagyo sa Tacloban? 5.Paano nalaman ni Isabella ang pananalasa ng bagyo sa Tacloban? 6.Bakit kailangan nating tulungan ang ating mga kababayan na nasalanta ng trahedya o kalamidad?