gampaning pangkasarian sa pilipinas?​

Sagot :

Ang mga gampaning pangkasarian o gampaning seksuwal ay ang pangkat ng mga pamantayang ng pag-uugali at panlipunan na itinuturing na akma o angkop sa lipunan para sa mga indibiduwal ng isang partikular na kasarian na nasa diwa ng isang partikular na kultura, na malawak na nagkakaiba-iba sa pagitan ng mga kalinangan at sa loob ng mga kapanahunan. May mga pagkakaiba ng opinyon kung ang napapansing mga pagkakaiba sa mga katangian ng kaasalan at katauhan o personalidad ay, kahit na bahagi lamang, ay dahil sa mga bagay na pangkultura o panglipunan, kaya ang produkto ng mga karanasan sa pakikisalamuha o sosyalisasyon, o kung hanggang saan ang mga kaibahang ito na pangkasarian ay dulot ng mga pagkakaibang pambiyolohiya at pampisyolohiya.