pareho itong sumusukat sa kita ng mga mamamayan ng isang bansa
kapwa tinitingnan ang market value ng mga nagawang produkto at serbisyo
magkatulad rin itong sinusukat ng taunan sa isang bansa.
ginagamit din ang mga ito bilang indikasyon kung maganda ba ang pagkakalikha ng mga serbisyo at produkto ng isang bansa.
PAGKAKAIBA
Ang GDP ay tumutukoy sa kabuuang kita o halaga ng mga serbisyo at produkto nalikha ng isang bansa, kabilang ang likha ng mga dayuhang nasa bansa. Ang GNI naman ay sumasaklaw sa mga produkto at serbisyong nalikha ng mga mamamayan ng isang bansa, nasaang panig man ito ng mundo