A. Isulat ang salitang KATOTOHANAN kung ang pahayag ay nagpapakita ng
katotohanan patungkol sa mga karunungang-bayan at DI- KATOTOHANAN kung
hindi.
1. Ang karunungang-bayan gaya ng palaisipan ay nakatutulong sa
paghahasa ng kaisipan ng isang indibidwal.
2. Ang tugmang de gulong ay nagbibigay ng paalala o babala sa
mga pasahero ng isang pampublikong sasakyan.
3. Ang bugtong ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan
ng isang bagay.
4. Ang karunungang-bayan ay isang pag-aaksayang libangan ng
mga Pilipino noon.
5. Ang mga karunungang-bayan ay dinala ng mga dayuhan sa bansa
nang sakupin nila ang Pilipinas.​