ESP

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.

Lagyan ng hugis puso kung ito ay nagpapakita ng kawilihan at

pagpapahalaga sa mga pamanang kultural at ekis kung hindi.

______1. Isang natatangiang kaugalian ng Pilipino ang kusang-loob na

pagtulong sa kapwa.

______2. Sinabihan ka ng iyong guro na pumili ng sasayawin para sa

darating na buwan ng wika. Ang iyong pinili ay pagsayaw ng Cariñosa.

_______3. Nakahiligan mong maglaro ng computer games kaysa sa

larong pinoy.

_______4. Hindi nawawala sa Pamilyang Reyes ang pagmamano at

paggamit ng po at opo.

8

_______5. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong

Yolanda hindi nawawala ang pagbabayanihan ng mga Pilipino.

_______6. Magandang basahin ang mga libro tungkol sa alamat at

kwentong bayan.

_______7. Ipinagmamalaki ng aming kamag-anak sa ibang bansa ang

mga pagkaing Pilipino.

_______8. Magandang pag-uugali ang paggalang sa mga nakakatanda.

_______9. Ang awiting “Ugoy ng Duyan” ay nagpapakita ng pagmamahal

ng isang magulang sa anak.

_______10. Masayang pinag-aaralan ni Maria ang Baybayin. Ito ang

sinaunang Sistema ng pagbasa at pagsulat ng mga katutubong Pilipino.