ano ang ibig sabihin ng klasikal na kabihasnan​

Sagot :

Answer:

Ginagamit ang salitang klasikal sa iba’t ibang pangungusap, at ang kahulugan nito ay depende sa kung paano ito ginamit. Maaari itong tumukoy sa kabihasnan, panahon o kultura. Ang klasikal ay isang salitang tumutukoy sa kung ano ang nauna. Kung pagbabasihan ang panahon, ang klasikal na panahon ay tumutukoy sa naunang panahon bago pa magkaroon ng kasalukuyang panahon. Ang salitang klasikal ay ginagamit lamang na pantukoy sa mga bagay na dati pang naimbento at napaglipasan na. Nagbibigay ito ng impresyon na ito ang orihinal na gawa bago magkaroon ng kasalukuyang gawa.

Answer:

Sa payak na kahulugan nito, ang kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan.[1] Naiisip nating sibilisado ang mga tao kapag tinipon nila ang kanilang mga sarili upang maging isang matatag at mabisang pangkat, sa halip na gumagalaw ng magkakahiwalay o bahagi lámang ng isang tribo. Lampas dito, inaasahan nating makikilala ang alin mang kabihasnan sa pamamagitan ng kanilang wika, sining, arkitektura, edukasyon, at nakamit na gawaing intelektuwal, pamahalaan, at kakayahan maipagtanggol ng sarili. Samakatuwid, isa itong konseptong tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga tao sa isang kulturang kinagisnan o nakasanayan, kulturang nalinang o kulturang tinanggap na resulta sa paninirahan sa isang partikular na lugar o kapaligiran. Naging isang masalimuot na lipunan o pangkat ng kultura o kalinangan ang kabihasnan na kinatatangian ng pagsandig sa agrikultura, pangangalakal kahit sa malalayong mga lugar, uri ng pamahalaan pang-estado at naghahari o namumuno, espesyalisasyon sa hanap-buhay, urbanismo, at antas-antas na mga klase ng mga tao. Bukod pa sa ganitong mga pangunahing mga elemento, kadalasang natatakan ang sibilisasyon ng anumang kumbinasyon ng isang bilang ng pangalawang mga elemento, kabilang ang maunlad na sistema ng transportasyon, pagsusulat, pamantayan ng pagsusukat, pati na pananalapi, pormal na sistema ng batas, magiting na estilo ng sining, mabantayog na arkitektura, matematika, sopistikadong metalurhiya, at astronomiya.