B. MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Tukuyin kung anong
katangian ang ipinamamalas nito. Isulat sa patlang ang sagot: KASIPAGAN,
PAGPUPUNYAGI, O PAGTITIPID,
1. Tinitiyak na magiging maayos ang kalalabasan ng gawain.
2. Hindi sumusuko hanggat hindi natatapos ang gawain.
3. Naglalakad imbis na sumakay kung malapit lang ang pupuntahan.
4. Tinitiis ang pagod matapos lamang ang gawain.
5. Ibinibigay ang buong kakayahan, lakas, at panahon sa gawain
nang buong husay.
6. May oras lamang sa paggamit ng TV, computer, electric fan, at iba pa.
7. Hindi umiiwas sa gawain lalo na kung nakaatas ito sa kaniya.
8. Patuloy na sinusubukan na gawin ang gawain kahit na maraming
beses na nagkakamali.
9. Nagbabaon na lamang ng pagkain kaysa bumili ng mamahaling
pagkain sa kantina o sa labas ng paaralan.
10. Kahit maraming pinagdaraanang pagdurusa ay hindi tumitigil sa
ginagawa​