Answer:
Sa konteksto ng digmaan, ang jihad ay ginagamit upang ilarawan ang pakikipaglaban o mga motibo sa likod nito.[1] Ang panimula ng jihad sa kontekstong ito ay nagmula sa mga salita at gawa ni Muhammad at Qur'an. Eto ay humihikayat ng paggamit ng jihad laban sa mga hindi Muslim.[2] Ang Surah 25, bersikulo 52 ay nagsasaad na: Kung gayon, huwag niyong sundin ang mga hindi mananampalataya at magsikap kayo laban sa kanila ng ganito, isang dakilang pakikibaka."[3] Samakatuwid, tungkulin ng lahat ng Muslim na makibaka sa mga hindi sumasampalataya kay Allah at sa mga nagsasagawa ng mga opensibong aksiyon laban sa mga Muslim. Gayunpaman, ang Qur'an ay hindi gumagamit ng salitang jihad para sa pakikipaglaban at pakikidigma sa ngalan ni Allah. Ang salitang ginagamit sa "pakikipaglaban" ay "qital".
Explanation:
hi hehe