Ang isang may-akda ay lumilikha ng mga bagay na karaniwang may kinalaman sa panitikan. Siya ang kalimitang nagsusulat ng mga tula, nobela, istorya, talumpati, liriko, at iba pa. Gayundin, maaring gumawa ang isang may-akda ng mga aklat tungkol sa iba't ibang paksa katulad ng agham, sipnayan, pilosopiya, at marami pang iba.