Answer:
Ang ibang hilig ay natututuhan sa mga karanasan, ang iba ay minamana, at ang iba naman ay galing sa ating mga halaga at kakayahan. Halimbawa, hilig mo ang pagsusulat dahil mahilig kang magbasa mula pa sa iyong pagkabata, isa kang staff member sa inyong pampaaralang pahayagan at may tiwala ka sa iyong sarili sa mga gawaing pagsusulat sa paaralan.
Kung gusto mong masiyahan, nagsisilbing gabay ang mga hilig sa pagpili ng mga gaw ain. Ang taong nasisiyahang gaw in ang isang
gawain ay nagsisikap na matapos ito at mayroong pagmamalaki sa gawaing maayos na ginawa. Ito ang nagbibigay sa kanya ng paggalang sa sarili.
Isa pa, nakatutulong ang mga hilig, kasama ng aptitude at potensyal at pangkalahatang talino (general intelligence), tungo sa iyong mabilis na pagkatuto at pagkakaroon ng mga kasanayan (skills). Ang mga hilig ay batayan din ng iyong mga kasanayan, kakayahan at
kadalubhasaan (proficiencies). Mahalagang malaman mo ang iyong mga hilig dahil palatandaan ang mga ito ng mga uri ng trabaho na magbibigay ng kasiyahan at kaganapan sa iyo bilang tao.