"Bagyong Yolanda" Ang bagyong Yolanda ay maituturing na isa sa pinakamatinding tumama sa Pilipinas. Pumasok ito sa Philippine Area of Responsibility o PAR noong ika-3 ng Nobyembre, 2013. Dahil sa isang kisapmata ang naging pagpasok ng bagyo sa bansa, nagtaas ng babala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa maraming lalawigan at kapuluan sa bansa. Sinasabing hinagupit ng bagyong Yolanda ang Tacloban, Leyte at ang karatig-bayan nitong Samar na may bilis na hanging tumatakbo ng 315 kilometro bawat oras. Naitala ng PAGASA na anim nab eses na tumama nag mata ng bagyo sa lupa kung kaya't nagdulot ito ng pinakamalaking pinsala sa maraming lalawigan sa Kabisayaan. Maraming kabuhayan at gusali ang lumubog sa tubig-baha dahil sa walang tigil na pagbagsak ng ulan. Halos pitong libo ang binawian ng buhay at dahil sa hindi inaasahang pagdaluyong ng malalaki at malalakas na alon. Hanggang ngayon ay sinasabing hindi pa rin nakababangon sa pagkakalugmok ang bayan ng Tacloban dahil para silang pinagtakluban ng langit at lupa dahil sa malawakang perwisyong idinulot ng bagyo. Maraming nagsasabing hindi nila maaaring iguhit na lang sa tubig ang kanilang naging karanasan sa kamay ni Yolanda. 1. Tungkol saan ang ulat? _Bagyong Yolanda 2. Paano tumama sa bansa ang bagyong Yolanda? 3. Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabangon ang ilang bayan sa Kabisayaan dahil sa bagyong Yolanda? Ipaliwanag. 4. Paano nawalan ng kabuhayan at mga mahal sa buhay ang mga taga-Leyte at Samar dahil sa bagyong Yolanda? tumubog a sa tubig baha ang mga kabuhayan. 5. Dapat ba na palaging handa tayo kapag may paparating na bagyo o anumang kalamidad? Ipaliwanag ang iyong sagot. oo dahil para makaligtas ka o ang pamilya mo