Gawain 1 Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang T kung ito ay wasto at M kung mali. 1. Walang kakayahan ang taong baguhin ang nakasanayan na.
2. Virtues ang tawag sa paulit-ulit na kilos.
3. Gawi ang tawag sa mga bagay na mahalaga at batayan ng kilos at pagpapasya ng isang tao.
4. Ang mga moral na birtud ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao.
5. Mahalagang ingatan ang kilos dahil makaaapekto ito sa pagpapaunlad ng sarili.
6. Ang pagpapaunlad ng kaalaman at karunungan ay siyang gawain ng ating isip.
7. Ang mabubuting gawi ay tinatawag ng bisyo.
8. Hustisya ang pagkakaloob sa isang tao ng nararapat sa kanya.
9. Mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng kapwa sa pagmumulat sa ating di kanais- nais na gawi.
10. Magagawa ang anumang pagbabagong nais gawin sa sarili kung may determinasyon.