Answer:
Ang kahulugan ng malnutrisyon ay isang kondisyon kung saan hindi sapat ang sustansiyang nakukuha ng isang tao mula sa kinakain niya gaano man ito kadami. Mayroon ding mga pagkakataon na sumusobra ang pagkain ng isang tao kaya sumobra naman sa sapat ang kanyang kinakain. Alinman sa dalawa, nangangahulugan ito na hindi wasto ang dami at uri ng sustansiyang kanyang nakukuha sa kinakain at nakakaapekto ito sa kanyang kalusugan. Pwedeng sobrang payat o mataba siya kaya sakitin o madaling mahawa sa sakit. Samakatuwid, wala siyang balanced diet.