Gawain 3-ISAPUSO Panuto: Isulat ang W sa patlang kung Wasto ang pangungusap at HW naman kung Hindi Wasto. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. 1.Ang pagtulong sa kapwa ay isang magandang gawain na dapat ugaliin ng bawat bata. 2.Ang (DSWD) Department of Social Welfar ang Development lamang ang dapat tumutulong sa mga mahihirap at mga biktima ng mga kalamidad. 3. Tutulong lamang ako sa aking kaibigan kung alam ko na may ibibigay siya na kapalit. 4. Lahat ng tao ay may pangangailangan dahil walang tao na nasa kanya na ang lahat. 5. Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka nang bukal sa kalooban