Gawain: Double Entry Journal
Panuto: Punan ang kasunod na Double Entry Journal ng sariling reaksyon tungkol
sa mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng anekdota.

Pagsusuri
Kawilihan ng Paksa-
Sapat na kagamitan-
Kakayahang Pansarili-
Tivak na panahon o pook-
Pagkilala sa mambabasa-​


Sagot :

Answer:

Kawilihan ng Paksa - Ang paksa ay dapat na napapanahon , importante  at makapagtuturo  ng mga tamang aral. Hindi na ako nagulat sapagkat ganito ang halos lahat ng mga akdang anekdota.. Ang tunggalian ay talaga namang dapat na mayroong kwenta at at mga mambabasa ay dapat maging interesado dito.

Sapat na Kagamitan - Kailangan na ang mga datos o mga bagay na isasama sa akda ay tama at may sapat na pagkukunan ng kaalaman.

Kakayahang Pansarili - Ito ay isang importanteng bagay sapagkat ang ang isang paksa ay hindi magiging isang maayos na akda kung kaunti lamang ang alam ng manunulat tungkol sa kaniyang isusulat at ano ang gusto nyang iparating sa paggawa ng akda.

Tiyak na Panahon o Pook - Ang mga pook at panahon na kailangan lamang ang dapat na isulat. Maaari itong dagdagan ng kaunti, ngunit hindi ito dapat maging masyadong marami upang hindi maging nakakalito sa mambabasa.

Pagkilala sa Mambabasa - Ito ay importante sapagkat kung kilala mo ang mga magbabasa ng iyong akda ay mas madali mong maipapahayag ang iyong mensahe. Isasaalang – alang ang mga babasa at hindi ang gusto lamang ng manunulat.