ano ang pagkakaiba ng maikling kwento at pabula

Sagot :

Answer:

Ang pabula o tinatawag ding kathang isip ay itinuturing na isa sa pinakamatandang anyo ng panitikan. Ito ay karaniwang isinasalaysay o ikinukwento sa mga bata upang mapalawak o mapamulat sa kanila ang magagandang asal. Kahit sa kabila nito, ang pabula ay likha lamang ng guniguni ng isang manunulat. Hindi totoong nangyari at hindi maaring mangyari. Piniling mga tauhan ang mga hayop dahil dito mas lalong maiintindihan o maisasalarawan ang aral na nais maipabatid sa mga bata. Giliw sila at interesado sa mga hayop kaya ito ang mga pangunahing ginagamit na tauhan. Ang pabula ay karaniwang nagwawakas sa isang mabuting aral o salawikain

Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o maaaring maganap.” Ito ay ayon sa kinikilala ng mga dalubhasa na ama ng makabagong maikling kwento na si Edgar Allan Poe.

Walang hanggan ang maaring paksain ng manunulat ng maikling kwento. Ang mga kwento’y maaring maging hango sa mga pangyayari sa totoong buhay, at maaari rin namang patungkol sa kababalaghan at mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.