Answer:
Bahagi ng paikot na daloy o modelo ng ekonomiya ang sambahayan. Mayroon itong mahalagang ginagampanan sa ating ekonomiya.
Una, ang sambahayan ay ang konsyumer ng mga produkto, serbisyo, at kalakal na nalilikha ng bahay-kalakal at mga produktong mula sa panlabas na sektor. Sila ang nagtatakda ng demand na kailangan bunuin ng bahay-kalakal.
Ikalawa, ang mga nasa sambahayan din ang nagbibigay ng salapi sa mga bahay-kalakal upang lumikha ng produkto. Ang mga ipinambibili nila ay siyang ginagamit na pera ng mga kompanya o bahay-kalakal.
Panghuli, ang mga nasa sambahayan din ang suplayer ng mga kailangan sa produksiyon. Ang mga taon sa sambahayan ay nagtatrabaho sa mga bahay-kalakal upang makabuo ng produkto at kumita ng salapi.