Answer:
Pilipinas kong mahal
Sinakop man ng mga mangangalakal
Mula sa mga kanlurang sagabal
Ay di nagpatinag sa mga ilegal
Pilipinas kong iniibig
Dinanas ay malupit sa kanilang bisig
Puso ay patuloy pa rin ang pintig
Lumaban ng kapit-bisig
Pilipinas kong yaman
Pinilit mang angkinin ninoman
Hindi umatras sa laban
Patuloy na inagaw muli ang kalayaan
Pilipinas kong irog
Sakripisyo ang sayo'y humubog
Di hinayaang patuloy na malubog
Sa kamay ng mga kanlurang hambog
Pilipinas kong mutya
Buhay ay kaya kong itaya
Dahil ikaw ay isang biyaya
At karapatan mong maging malaya