BC Pagyamanin Subukan ang iyong nalalaman! A. Pagsasanay 1: Panuto: Isulat ang tsek (V) kung totoo ang kaisipan, at ekis (X) kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno, 1. Nagagawang pataba ang mga pinagbalatan ng prutas. 2. Ang halamang gulay na hindi sapat ang pag-aalaga ay malago, mataba, at buhay na buhay. 3. Kapag masustansiya ang lupa, maaasahang mabilis na mamamatay ang halamang bagong lipat. 4. Kung patuloy na lumalaking malusog at nagbibigay ng magandang ani ang mga pananim, ito ay makakatutulong sa pag-unlad ng pamumuhay. 5. Madaling matuyo ang lupa kung taglay nito ang abonong organiko. 6. Pinabubuti ng abonong organiko ang daloy ng hangin at kapasidad ng lupa na humawak ng tubig. 7. Pinatataba ang lupa o nagiging maganda ang ani kapag may abonong organiko. 8. Ang pagdidilig sa kompost ay ginagawa bawat oras. 9. Ang compost ay tinatakpan ng yero lamang. 10.Ang binunot na mga damong ligaw ay maaaring gawing kompost.