Sagot :
Answer:
Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na madaliin ang paglabas ng pondo at implementasyon ng Bayanihan 2 para maresolba ang problema ng kagutuman, kawalan ng trabaho, pagbagsak ng ekonomiya at pagtaas ng presyo.
Sinabi ito ni Sen. Kiko kasunod ng ulat na 25 porsiyento pa lang ng P24 bilyong pondo ng Department of Agriculture (DA) sa ilalim ng Bayanihan 2 ang naipapamigay sa mga target na benepisyaryo.
“Nandiyan na pondo eh. Hindi lang naipapatupad nang mabilis ang pag-release. Sabi nga aanhin mo pa ang damo kung patay na ’yung kabayo,” wika niya.
Binigyang diin ng Senador na mahalagang manghimasok na ang pamahalaan na magbigay ng stimulus upang mapasigla ang ekonomiya sa gitna ng kawalan ng hanapbuhay bunsod ng ginawang layoff ng ilang kompanya.
“Kaya nga Bayanihan 2 yan eh, para harapin itong problema ng mga manggagawa, ng mga magsasaka, ng mga mamimili, so gastusin agad-agad, ilabas kaagad-agad. Maghanap ng paraan to address the bottlenecks in the release these funds,” ani Pangilinan.
Ayon kay Sen. Kiko, dapat munang pagtuunan ng pansin ang mabilis na paglabas ng pondo ng Bayanihan 2 bago pag-usapan ang Bayanihan 3.
Answer:
pangungurakot ng mga nakakataas
pagbabayad ni buwis na ibinubulsa