1. Alin sumusunod pangungusap ang nagpapatunay sa pangunguna ng mga Humanista sa pag-aaral ng klasikal sibilisasyon sa Greece at Rome sa panahon ng Renaissance? A. Naging matalino ang mga tao dahil sa mga humanista. B. Binigyang pansin ng mga humanista ang indibidwalismo kaya. C. Binigyan sila ng pagkakataon ng Simbahang Katoliko na magsalita at ipakita ang kanilang potensyal. D. Nagbigay-daan ang mga humanista para magkaroon ng higit na impluwensiya ang tao sa simbahan.
2. Ang sumusunod ay nagpapakita ng pagtaliwas ng Renaissance mula sa kaisipan na laganap noong Middle Ages MALIBAN sa isa. A. Panibagong kaalamang siyentipiko B. Panibagong kaalamang panrelihiyon C. Panibagong kaalamang sining at panitikan D. Muling pagsilang ng klasikong kaalamang Griyego- Roman.
3. Pinagyaman ng Renaissance ang kabihasnan ng daigdig, nagbunga ito ng mga kahanga-hangang likha sa sining at panitikan na hindi matutumbasan ng pamana sa sangkatauhan. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito? A. Nagbigay -sigla sa mga eksplorer na tumuklas ng mga bagong lupain. B. Pagsulong at pagkakabuklod --buklod ng mga bansa. C. Nagbigay daan sa mga Rebolusyong Intelektuwal. D. Lahat ng mga nabanggit
4. Alin sa sumusunod na pahayag sa ibaba ang lubos na nagpapatunay na ang kasaysayan ng Renaissance ang naging hudyat sa pagsisimula ng Repormasyon? A. Naging bahagi sa si Martin Luther sa Renaissance B. Naging malapit sa mga pari ang mga burgis na nagpalaganap sa renaissance C. Ang mga Kaparian at Papa ang nag organisa sa isang kultural na kilusan na kung tawagin ay Renaissance. D. Ang diwang humanismo ang nagbigay daan sa malawak na kaisipan upang maituwid ang masamang gawain ng Simbahang Katoliko.