Sa panahon ng emergency na ito sa pampublikong kalusugan, mahalaga, sa partikular, na ihinto ang diskriminasyon. Kapag hindi ito nabantayan, puwede itong humantong sa pagtangging magbigay ng pangangalagang pangkalusugan, paglabag sa mga karapatang sibil, at karahasan. Puwede itong magresulta sa higit pang pagkalat ng virus at mga pagkamatay, na may matinding epekto sa komunidad. Magbahagi ng tumpak na impormasyon – huwag magsulong ng stigma o poot. Makakatulong ito sa ating magbuklod bilang isang komunidad sa laban sa COVID-19.