Sagot :
Answer:
Mga Halimbawa ng Panitikan:
Sanaysay - ito ang uri ng panitikan na may isang maiksing komposisyon na kalimitan na naglalaman ng mga personal na kuru-kuro ng may akda.
Pabula - ito ay isang uri ng panitikan na kathang isip lamang na kung saan ang kumaganap sa kwento ay mga hayop o mga bagay na walang buhay.
Nobela o talambuhay -ito ang uri ng panitikan na binubuo ng ibat-ibang kabanata,isang mahabang kwento tungkol sa buhay ng isang tao.
Alamat - ito ay isang uri ng panitikan na kung saan ay isinasalaysay ang mga pangyayari tungkol sa isang pook,tao at pangyayari na mayroong pinagbabatayan sa kasaysayan ang kaugnay ng alamat ay ang kuwentong bayan at mito, Sa makatuwid ang alamat ay mga kuwento patungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay bagay sa daigdig.
Dula- uri ng panitikan na nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo.
Maikling kuwento - uri ng panitikan na maiksing salaysay lamang tungkol sa isang mahalagang pangyayari sa isang tao o mga tauhan na may iisang impresyon lamang
Parabula -ito ay uri ng panitikan na kung saan ang mga pangyayari ay hango sa bibliya at may moral na aral
Bugtong - ito ang uri ng panitikan na tinatawag ding palaisipan, ito ay isang pangungusap o isang katanungan na may nakatagong kahulugan na kaylangan isipin o lutasin.
Epiko - ito ay isang uri ng panitikan na nasa uri ng patula na nakuha natin sa mga Espanyol na may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang saknong.
Tula - ito ang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay,at malayang paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo
Talumpati - uri ng panitikan na isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
Ano nga ba ang panitikan? Ang panitikan ay isang anyo ng pagpapahayag na ginagamitan ng imahinasyon sa anyo ng tuluyan o Prosa maging sa tula na binubuo ng maayos at masining na pagsasama-sama ng mga salita.
Dalawang uri ng panitikan:
Tuluyan o Prosa - Ito ay mahabang pagsulat na karaniwang takbo ng pagpapahayag,walang bilang ang mga pantig at hindi pinagtutugma-tugma ang mga dulo ng taludtod sa bawat saknong na katulad ng patula.hindi limitado o pigil ang paggamit ng mga pangungusap ng isang manunulat. Kabilang dito ang mga sumusunod:
Nobela
Dula
Alamat
Maikling kwento
Pabula
Talambuhay
Sanaysay
Parabula
Explanation:
SANA MAKATULONG