Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Suriin kung ano ang Denoatatibo at
Konotatibong kahulugan nito batay sa mga nakasalungguhit na salita
1. Mahilig maglaro bola ang mga lalaki.
2. Sinasabi nina Nina at Janine na ikaw raw ay magaling mambola ng mga babae.
3. Napakagandang pagmasdan ang mga bulaklak sa hardin.
4. Nakatutuwang pagmasdan ang tauhan sa pelikula kung papaano niya ginamit ang
kamay na bakal.
5. Si Rica ang nag-iisang bulaklak sa magkakapatid.
6. Mag-ingat ka riyan, maraming ahas diyan.
7. Tunay na pinagpala ang mga kabataang lumaki sa kamay na bakal ng kanilang mga
magulang.
8. Kahit pinakitaan mo na ng kabutihan, di maiiwasang may mga ahas pa rin tayong mga
kaibigan
9. Kapansin-pansing nagkalat ngayon ang mga buwaya sa lipunan dahil sa krisis na ating
kinakaharap.
10. Ang mga buwaya na kanilang nakita ay nagdulot ng labis na takot sa kanyang
nakababatang kapatid.​