Mga katangian ni juli/Juliana sa El Filibusterismo​

Sagot :

Mga Katangian Ni Juli/Juliana

Ang pinakamagandang dilag sa Tiani na bunsong anak ni Kabesang Tales ay si Juliana o Juli. Siya ay larawan ng Pilipinang matiisin, madasalin, masunurin at madiskarte sa buhay. Siya ay mapagmahal rin sa pamilya. Handa siyang gawin ang lahat para sa ikabubuti at ikaliligtas ng kanyang mahal sa buhay. Ipinahihiwatig niya ang kapangyarihan ng pag-ibig.

Tauhan Sa El Filibusterismo

Ang El Filibusterismo ay isa sa mga nobela na isinulat ni Jose Rizal. Ang nobelang ito ay alay niya sa tatlong paring martir na kilala sa bansag na GOMBURZA. Ito ay nobelang pampulitika na nagpapadama at nagpapagising sa tunay na kalayaan at karapatan ng bayan. Bukod kay Juli, narito ang iba pang tauhan na bumubuo sa El Filibusterismo:

  • Basilio - Siya ang kasintahan ni Juli. Siya ay binatang nakapag-aral ng Medisina.

  • Hermana Penchang - Siya ang amo ni Juli. Siya ay mayaman at madasalin.

  • Tandang Selo - Siya naman ang ama ni Kabesang Tales. Siya ay may mapuputing buhok, malusog at matipuno ang pangangatawan.

  • Simoun - Siya ay mayamang mag-aalahas na nakasuot ng salaming may kulay.

  • Isagani - Siya naman ang pamangkin ni Padre Florentino at siya ay kasintahan ni Paulita Gomez.

Iba pang mga tauhan sa El Filibusterismo:

https://brainly.ph/question/2526781

#LearnWithBrainly