Gawain 2-TALASALITAAN Panuto: Isulat ang wastong salita upang mabuo ang pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. paggalugad kolonyalismo demokrasya kalakalan imperyalismo kolonya rekado emperador rebolusyon kapital digmaan nasyonalismo ng Spain. 1. Gumamit ang mga Kanluranin ng_______________ sa pakikipagkalakalan sa mga bansang Asyano. 2. Ang Pilipinas ay dating________ ng Spain 3. Ang___________ ng mga bansang nasa Europa ay isang yugto sa panahon ng repormasyon sa kontinenteng Europeo. 4. Sumiklab ang___________ dahil sa hidwaan na namagitan sa dalawang bansa. 5. Ang___________ ang ginamit na pampalasa at preserbatibo ng pagkain. 6._____________ ang tawag sa anumang transaksyon sa pagitan ng dalawang tao o sa pagitan ng mga bansa na kabilang sa isang pamilihan. 7. Pagmamahal sa bayan; pagtatanggol sa bansa laban sa mga manlulupig na dayuhan ay tinatawag na_____________ 8.______________ ang tawag sa katas-taasang pinuno ng imperyo. 9. Ang_____________ ay paraan ng pamamahala kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop. 10. Ang______________ ay isang tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang bansa na mayroong mga likas na yaman dahil sa kanilang pansariling pagnanasa na pagsamantalahan ang yaman ng bansang gusto nilang sakupin