40
6
B. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.
1. Anong suliranin ang binigyan-pansin ng programang Filipino First Policy
ni Pangulong Garcia?
A. Ang mga impluwensya ng mga produktong nanggagaling sa ibang
bansa na nagiging dahilan ng pagkatamlay at pagkalugi ng mga
produktong lokal o gawa dito sa ating bansa
B. Ang pang-aabuso ng mga mayayaman sa mga magsasakang nagsasaka
sa kanilang mga lupain.
C. Ang paglawak ng impluwensiya ng mga gerilya at komunista
D. Ang pagnanakaw sa salapi ng bayan
2. Isinulong at napagtagumpayan ng Administrasyong Garcia ang
Kasunduang Serrano-Bohlen sa Amerika. Ano ang naging basehan ng
kasunduang ito?
A. Ang pagbagak ng ekonomiya ng bansa
B. Ang mga magsasakang pinagsasamantalahan ng mga mayayaman
C. Ang mahabang pamamalagi ng mga base-militar ng Amerika sa bansa
D. Ang mababang taripang ipinapatong sa mga produktong galing sa
Amerika
3. Anong naging basehan ni Pang. Garcia sa taunang Republic Cultural
Heritage Awards?
A. Mga Pilipinong patuloy na nagsasaka para sa bansa
B. Mga dayuhang humahanga sa ganda ng Kulturang Pilipino
C. Mga pinuno ng bans ana patuloy na nakikibaka para sa kalayaan
D. Mga Pilipinong patuloy na nagbibigay nagpapakita ng kagalingan at
pagpapahalaga sa kulturang Pilipinokarangalan sa larang ng kultura
4. Bakit ipinatupad ang Austerity Program ng pamahalaang Garcia?
A. dahil sa lumalaking bilang ng populasyon ng ating bansa
B. dahil sa hindi makontrol at maling paggamit ng pondo ng bayan
C. dahil sa lumalalang kriminalidad sa iba't ibang bahagi ng bansa
D. dahil sa lumulawak na banta ng terorista sa katahimikan ng bansa
5. Bakit isinulong at ipinatupad ang anti-communism ng pamunuan Garcia?
A. dahil sa mga magsasakang patuloy na inaapi
B. dahil sa banta ng komunismo sa pamahalaan
C. dahil sa hindi magandang imahe ng pamahalaan
D. dahil sa mataas na bahagdan ng kriminalidad sa bansa​