Sagot :
Answer:
Sa panahon ng tumitinding kampanya ng internasyonalisasyon, naisasantabi ang halaga ng sari-sariling yaman ng wika at kultura ng mga bansa at ang pagkakaiba-iba ng mga Ito dahil sa paniniwala na may iisang pamantayang pandaigdig na nakapadron lamang sa kakayahan at katangian ng mauunlad na bansa. Samantala, ang wika at kultura ng mga bansang nasa Ikatlong Daigdig, gaya ng Pilipinas, ay lagi’t laging ipinalalagay na mababa at di-kapantay ng mga sumusulong na kalakaran sa daigdig dahil hindi nakaaagapay sa pamantayang global na hindi kumikilala sa mga katangiang panloob ng bawat bansa. Ngunit dapat tandaan na bago makibahagi sa pandaigdigang integrasyon, kailangan munang makilala ang sariling kahinaan at kalakasan, kailangang makilala muna ang sarili at maging matatag ang pundasyon sa sariling kaakuhan, upang hindi lamunin lamang o manggaya na lamang sa kultura ng ibang bansa. Sa ganitong paninindigan, may mahalagang papel ang pananaliksik sa sariling wika at kultura bilang pagharap sa globalisasyon.
Explanation:
yan lang alam ko