Answer:
Ang espiritwalidad,[1] (pagka-espirituwal[2]) ay tumutukoy sa sukdulan o imateryal (walang katawan o anyong materyal) na realidad;[3] isang panloob na daan na nagbibigay-daan sa mga tao na matuklasan ang katuturan o diwa ng kanilang pagkatao; o ang pinakamalalim na mga pagpapahalaga at mga kahulugan na ikinapamumuhay ng mga tao.[4] Ang mga gawaing pang-espiritu, kasama ang meditasyon, pagdarasal, at kontemplasyon, ay naglalayong makapagpaunlad ng panloob na pamumuhay ng isang tao; kalimitang nagdudulot ang ganyang mga gawain ng isang karanasan ng pagkakaroon ng kaugnayan sa isang mas malaking katotohanan, na nagbubunga ng mas malaganap o mas komprehensibong sarili, sa ibang mga indibiduwal o sa pamayanan ng mga tao, sa kalikasan o sa kosmos, sa nasasakupan ng banal.[5] Kadalasang nararanasan ang espirituwalidad bilang isang pinagmumulan ng inspirasyon o oryentasyon sa buhay.[6] Lumalagom ito sa pananalig sa mga realidad na imateryal o mga karanasan ng nakahihigit na kalikasan ng daigdig.