Sagot :
Espirituwalidad
May kaugnayan sa termino na ginagamit sa bibliya, ang esprituwalidad ay maaaring ilarawan bilang isang matinding pagnanais at pagsang-ayon na palugdan ang ating Diyos. Kung saan, ang isang espituwal na tao ay nagsisikap ng husto na mamuhay ayon sa pamantayan ng Diyos at sa patnubay ng banal na espiritu.
Saan kaya nanggaling ang ating espirituwalidad?
Lahat tayong mga tao ay may kapasidad para sa esprituwalidad. Ang dahilan? Tayo ay ginawa mismo ng Diyos na ayon sa kaniyang larawan. Kaya hindi na tayo magtataka na karamihan sa atin ay may ilang pagpapahalaga at pananabik sa mga bagay na hindi materyal o kaya pisikal. Kaya masasabing likas sa ating buhay ang kakayahang magpakita o magpamalas ng mga katangian sapagkat mayroong ganoong katangian ang Diyos natin.
Masasabing tinutulungan tayo ng Diyos na mapalakas ang ating espirituwalidad kung tayo mismo ay may pagsisikap na maging masunurin sa mga pinag-uutos niya.
Paano naman natin mapapaunlad o kaya mapapasulong mismo ang ating espirituwalidad?
Tingnan ang ilan sa mga paraan na ito:
- Manalangin at humingi ng tulong at patnubay ng Diyos
- Matutuhan na maging masunurin at mapagpasakop sa mga pinag-uutos ng Diyos sa ating na nakasaad sa bibliya
- Makisama at makipagkaibigan sa mga taong espirituwal
- Lagi magbasa at mag-aral ng bibliya para malinang natin ito
Pinakikita nito na napakahalaga talaga sa buhay natin ang espirituwalidad. Sikapin na patibayin ito para magkaroon ng malapit na kaugnayan sa Diyos at manatili ang ating pananampalataya sa kaniya. Gumawa ng mga paraan o humanap ng mga gagawin para mapaunlad ang ating espirituwalidad. Malaking tulong ito sa buhay natin at nagkakaroon tayo ng magagandang katangian.
Kung mayroon ka pang pagnanais na makapagbasa ng karagdagang mga detalye hinggil sa paksa, puwede ka pang bumsita dito sa mga link na ito:
Iba pang kahulugan ng salitang espirituwalidad: brainly.ph/question/2446769
Ilan sa mga halimbawa ng mahusay na espirituwalidad: brainly.ph/question/2111315
#BrainlyEveryday