Sektor ng ekonomiya sino ang mahalaga?

Sagot :

Answer:

Sektor ng Ekonomiya, Sino ang Mahalaga?

Ni: Mervin A. Espinola

Sa usapin ng pag-unlad, marami ang gustong maglahad, Iba’t ibang pahayag dapat dinggin at pakinggan, Sino nga ba ang pinakamalaga? Anong sektor ang aangat? Ating dinggin kanilang kuro-kuro at pahayag.

Sambahayan: Walang produksiyon kung walang pagkonsumo,

Salik ng produksiyon, sa amin nakukuha mo. Hindi ba’t doon pa lamang nakikita na halaga ko, O baka naman kayo’y may iba pang nais ipagtanto.

Bahay-Kalakal: Iyan ay totoo kung lahat ng produkto’y nagagawa mo, Ngunit hindi ba’t may kalakal na sa amin pinoproseso? Sa usapin ng pag-unlad, ako’y huwag isantabi, Dahil halaga ko’y siguradong may makapagsasabi.

Pamahalaan: Mga programang mahalaga sa pambansang ekonomiya, hindi magagawa kung walang mga polisiya. Sa aking pakikibahagi, sa pamumuhunan tayo’y wagi. Pag-angat ng ekonomiya, siguradong makikitang muli.

Panlabas na Sektor: Ekonomiyang bukas, mabilis ang magiging pag-angat. Ibang pagkukunang-yaman, sa amin tiyak na mahahanap, Dayuhang pamumuhunan, magbibigay ng dagdag yaman. Tiyak ang bansa’y makakamit ang ganap na kaunlaran.

Explanation:

pa brainly answer and paki follow nalang po ako