Answer:
Maraming pagbabago sa pamumuhay ng mga Asyano ang naidulot ng pananakop ng mga Kanluranin sa Timog at Kanlurang Asya. Ang sumusunod na aspekto ay nagpapakita kung paano nagbago ang pamumuhay ng ng mga katutubong Asyano nang tuluyang pinamahalaan ng mga Kanluranin ang Timog at Kanlurang Asya.Ang Indian at mga Arabe ay lubhang naapektuhan. Pinakinabangan nang husto ang mga likas na yaman at mga hilaw na sangkap bunga nang nang nagaganap na Rebolusyong Industriyal na nagdulot ng pagdagsa ng mga kapitalista sa mga kolonya. Ang mahabang panahon ng pananakop ng mga imperyong Europeo sa Asya ay naging daan sa pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng mga produktong galing sa mga bansang mananakop at pagkukunan ng mga hilaw na materyal.MGA EPEKTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA (IKA-16 HANGGANG IKA-20 SIGLO)Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga produktong dayuhan. Ang natural na kapaligiran ng mga bansa ay unti-unting naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan. Nagpatayo ang mga ang mga mananakop ng mga riles ng tren, tulay, at kalsada upang maging mabilis ang pagpapadala at pagluluwas ng mga produkto.
Explanation:
#CarryOnLearning