1. Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga Tao sa nasabing pook.
3. Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysayang hindi kapanipaniwala.
4. Sa kuwentong bayan nilalahad ng mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
5. Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan