Answer:
6.3% pagtaas ng Gross Domestic Product para sa Huling Bahagi ng 2015
Para sa huling bahagi ng 2015, tumaas ng 6.3% ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas. Sinusukat ng GDP ang kabuuang produksiyon ng produkto at kagalingang ekonomiko ng isang bansa. Sinasalamin nito ang kabuuang halaga sa merkado ng mga produkto at serbisyong nalikha ng ekonomiya sa isang partikular na panahon. Kung mas malaki ang growth rate (laki ng itinaas ng GDP), mas lumalakas ang ekonomiya; kung mas malakas ang ekonomiya, mas marami ang mamumuhunan sa bansa at mas darami ang trabaho.
Mula pa noong 2010, nagtatamasa na ang Pilipinas ng kasiya-siyang resulta pagdating sa GDP nito, na may average growth rate na 6.3% mula 2010-2014.
Ang taunang growth rate na 2.5-3.5% ay mainam para sa pagpaparami ng trabaho at kita ng mga kumpanya. At para sa mga papaunlad pa lamang na bansa tulad ng Pilipinas, mapabibilis ng malaking talon sa average growth rate ang pagpapahusay at pagpapatatag ng ekonomiya.