Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Taglay ng pangulo ang veto power o kapangyarihang tanggihan ang isang panukalang batas na ipinasa
ng kongreso. Sino ang kasalukuyang pangulo ng bansa?
A. Leni Robredo B. Bong Go
C. Rodrigo Roa Duterte D. Manny Pacquiao
2. Alin sa sumusunod ang may kapangyarihang gumawa ng batas?
A. Sangay na Tagapagpaganap
C. Sangay na Tagapaghukom
B. Sangay na Tagapagbatas
D. Pamahalaang Lokal
3. Alin sa sumusunod ang may kapangyarihang magpatupad ng batas?
A. Sangay na Tagapagpaganap
C. Sangay na Tagapaghukom
B. Sangay na Tagapagbatas
D. Pamahalaang Lokal
4. Alin sa sumusunod ang nagbibigay ng interpretasyon ng batas?
A. Sangay na Tagapagpaganap
C. Sangay na Tagapaghukom
B. Sangay na Tagapagbatas
D. Pamahalaang Lokal
5. Antas ng pamahalaan na nakasasakop sa buong bansa.
A. Pambansang Pamahalaan
C. Sangay ng Pamahalaan
B Lokal na pamahalaan
D. Antas ng Pamahalaan
6. Antas ng pamahalaan na binubuo ng mga lalawigan lungsod o bayan, at barangay.
A. Pambansang Pamahalaan
C. Sangay ng Pamahalaan
B. Lokal na pamahalaan
D. Antas ng Pamahalaan
7. Alin sa mga sumusunod ang pinamumunuan ng gobernador?
A. Lalawigan
B. Lungsod
C. Bayan
D. Barangay
8. Ang alcalde at bise alcalde ang namumuno sa lungsod o bayan, sino ang pinuno ng lungsod ng Lucena?
A. Rodrigo Roa Duterte
B. Leni Robredo C. Danilo E. Suarez D. Dondon Alcala
9. Alin sa sumusunod ang saklaw ng pamahalaang lokal?
A. Paggawa ng batas ng bansa
C. Pagbibigay ng interpretasyon ng batas
B. Pagpapatupad ng batas ng bansa D. Paggawa ng mga ordinansa para sa kanilang nasasakupan
10. Alin ang HINDI saklaw ng pamahalaang lokal?
A. Mga asong pagala-gala
C. Pagbuo ng ordinansa sa mga nasasakupan
B. Koleksiyon ng basura
D. Pagpapataw ng parusa sa mga taong nagkasala​