Answer:
1. 1. Pangngalan • Ang PANGNGALAN ay salitang tinutukoy ang ngalan ng tao, bagay, pook, hayop o pangyayari. • Dalawang uri ng PANGNGALAN: 1. Pangngalang Pambalana • Karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari • Halimbawa: lapis, papel, babae, lalaki, simbahan, ibon
2. 2. PANGHALIP• Ang PANGHALIP ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan. Uri at Halimbawa: 1. Panao - ako, siya, sila 2. Paari - akin, kaniya, kanila, amin 3. Pananong - sino, ano, kailan 4. Pamatlig - dito, doon 5. Pamilang - ilan, marami 6. Panaklaw - madla, pangkat
3. 3. PANDIWA • Ang PANDIWA ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Uri ng Pandiwa: 1. Payak- ito ay ipinalalagay na ang simuno. Halimbawa: Lubos na mahirapan ang walang tiyaga mag-aral. 2. Palipat- ito ay may simuno at tuwirang layon Halimbawa: Naglinis ng hardin si Nena. 3.Katawanin- ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap. Halimbawa: Ang matiyaga nagwawagi.