Answer:
Para sa aking sariling pananaw naituring kong palatandaan ng katarungang panlipunan ang pagiging pantay-pantay na pagtingin o pagtrato sa bawat isa dahil lahat tayo ay tao, lahat tayo ay may karapatan na hindi makaranas ng diskriminasyon galing sa iba at hindi dapat na may mas pinapaburan tayo sa lipunan. Sunod ay ang paggalang sa batas, bakit mo ba kailangan pang igalang ang batas para sa lipunan? dahil ang mga batas na ito ang daan upang magkaisa ang mga tao, halimbawa nalamang ang batas trapiko, umuusad ang trapiko dahil sa mga batas sa daan. Isa rin dito ang maayos na kalakaran, simple lang, hindi uunlad ang lipunan kung walang maayos na kalakaran na ipapatupad. Sunod ay karapatan ng kapwa o karapatan para sa kapwa, masasabi mong makatarungan ang lipunan kung ikaw ay nabibigyan nila ng karapatan o kalayaan, bilang isang indibidwal karapatan mo ang bumoto, makatanggap ng suporta galing sa gobyerno at ibapa gayundin para sa iba, ang kapwa mo ay nangangailangan rin ng karapatan o kalayaan galing sa lipunan. At ang huli ay katarungan o hustisya ay napaiiral nang isang komunidad, ito ay isang komon na dapat ipinapairal sa isang lugar, layunin ng opisyal sainyong lugar na bigyan ang kanyang mga nasasakupan ng katarungan at dapat ay hindi ito mawawala.
Sana makatulong!!