Answer:
Karma at Reincarnation- ang "Gulong ng Buhay" o "Samsara" ang sinaunang simbolo na may kaugnay na kahulugan sa Buddhism at Hinduism. Ito ay ang sumisimbolo sa siklo ng pagkapanganak, buhay at kamatayan ng isang tao. Sa pagkatapos ng isang ikot nito, naniniwala ang mga Hindu at Buddhist sa muling pagkabuhay ng isa pang buhay na ipinanganak. At ang karma naman sa salitang sanskrit ay "kilos o asal" ito ay paniniwala ng mga Hindu at Buddhist na nangagahulugang kung ano ang ginawa mo ay babalik rin sayo. Halimbawa, kapag gumawa ka ng mabuti sa kapwa mo, may mabuti ring mangyayari sayo at kung masama naman, masama rin ang babalik sayo. Gabay ng kaisipang ito, ipinangangaral din ng mga Hindu at Buddhist ang pagpapakita ng kabutihan, sa anumang adhikain ng isang nilalang.
Explanation:
hope it's help