Gawain1:sumulat ng isang pangungusap kung ano ang dapat mong gawin bilang disiplinadong mamamayan para sa sumusunod na larawan.

1.ilog na marumi at may karatulang "bawal magtapon ng basura".
2.pasilyo ng paaralan at may karatulang "munting basura pakibulsa na".
3.basurang umaapaw at may karatulang "tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan". 4.batang nagsisiga ng basura at may karatulang "malinis na hangin ating bantayan". 5.lalaking nagpuputol ng puno at may karatulang "save the forests".
6.bakanteng lote sa likod ng bahay at may karatulang "clean and green".
pls help po sa magagaling po jan po ​


Sagot :

Answer:

  1. Hindi ako magtatapon ng basura kahit saan, at magtatawag ako ng aking mga kaibigan upang linisin ang maruming ilog.
  2. Hindi ko itatapon at itatabi ko nalang sa aking bulsa ang aking basura. At kapag mayroon akong nakitang basurahan ay doon ko nalang ito itatapon.
  3. Magtatawag ako ng mga kaibigan upang linisin namin ang lugar.
  4. Susuwayin ko ang lalaki at sasabihin na i-recycle na lamang ang mga basura upang maiwasan ang polusyon sa hangin.
  5. Susuwayin ko at tatanungin ang lalaki kung legal ba ang kanyang ginagawa.
  6. Lilinisin ko ang lugar at tataniman ko ito ng mga halaman o puno.