Answer:
Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nagpapakita ng ugnayan at gawain ng lahat ng sektor na bumubuo sa ekonomiya ng isang bansa. Binubuo ito ng dalawang pangunahing sektor:
Sambahayan–nagbibigay ng mga salik ng produksyon, tulad ng lupa, paggawa, kapital o puhunan, at entreprenyur, sa kompanya upang makagawa ng produkto at serbisyo.
Bahay-Kalakal–bumibili ng mga salik ng produksyon at gumagawa ng mga produkto at serbisyo na maipagbibili sa pamilihan
Ang daloy ng ekonomiya ay nagbabago batay sa sektor na lumalahok dito.