Sinabi ng FDA Director na tatanggalin na ang E-Logbook apps ang "paper
bureaucracy” sa pagrereseta ng mga gamot sa mga pasyente.
Plss any answer it :<​


Sagot :

Answer:

MANILA, Philippines - Upang makatipid sa oras, papel at higit na makapagligtas ng buhay, ipatutupad ng Food and Drugs Authority (FDA) ang “Electronic Logbook” na isang mobile application para sa modernisasyon ng “pharmacy sector” sa bansa.

Sinabi ni FDA Director General Nela Charade Puno na tatanggalin ng E-Logbook apps ang “paper bureaucracy” sa pagrereseta ng mga gamot sa mga pasyente habang makakalolekta ng mga importanteng datos na maaaring magamit sa pagliligtas ng buhay.

Sa tala ng FDA, nasa 10,000 aktibong botika sa bansa ang kanilang mino-monitor habang nasa 50 taon nang nauubos ang kanilang oras sa pagpuno sa mga “logbooks” upang makatupad sa batas ukol sa “patient prescriptions”.

Ipinaliwanag ng FDA na ang E-Logbook ay isang mobile application na ginagawang digital ang mga preskripsyon gamit ang mga smartphones. Donasyon ang application ng mClinica, isang bagong HealthTech na kumpanya sa Southeast Asia na nagdi-develop ng mga mobile technology.

Kabilang sa magagawa ng E-Logbook ang pag-digitalize sa mga preskripsyon at mabilis na pagpapadala ng mga datos sa mga gamot; proteksyon sa mga pasyente sa pag-monitor sa paggamit ng resetang mga gamot, mabilis na pag-recall sa mga mapanganib na mga droga, at pagsawata sa pagkalat ng mga peke at expired na mga gamot.