B: Isulat ang buod sa tekstong nabasa,
Ang Halimaw na si Corona​


Sagot :

Explanation:

May misteryosong matanda na nakatira sa liblib na lugar. Ito ay malapit sa isang yungib. Marami ang pagbabago sa bayan ng Kalsona, iba na ang kilos ng mga tao. Napadaan si Aling Sitas sa lugar at ito ang kanyang napuna. May mga taong nagtsitsismisan, nag-iinuman, may magulang na walang oras sa kanilang pamilya at may grupo ng lalake na gumamit sa bawal na gamut. Sumakit ang ulo ni Aling Sitas sa kanyang nakita dahil hindi ganon ang Kalsona noon, tahimik at mabait ang mga tao noon. Naisipan ni Aling Sitas na bumili ng isda, ngunit may biglang humulbot sa bag ni Aling Sitas, galit na galit si Aling Sitas ngunit wala syang magawa. "Mga diwata ng kagubatan iyo na ang mga tao.." Kinabukasan nagsipagtakbuhan ang mga tao dahil may paparating na halimaw na si Coromaw, may mga tinik ito at nais pumatay ng tao. Araw-araw napakahirap sakanila na walang pagkain at lubos ang takot na mapasok sa Coromaw. Naabutan ng isang buwan, may namatay na sa gutom. Ang mga tao ay nag-iiyakan at nagdadasal sa Diyos. Lumipas ang isang araw at wala na ang Coromaw, ibinalita ito sa mga tao. Mula noon tuwing linggo may nagsisimba na at nagpqsalamat sa Diyos.